top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Mga pasaway na traffic enforcer, sibakin!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 30, 2019
1 min read

PARANG drogang hindi maubus-ubos ang ilang tauhan ng gobyerno na patuloy pa rin sa pagpapasaway kung saan arestado ang team leader ng Manila Traffic and Parking Bureau dahil sa robbery extortion kasunod nang isinagawang operasyon ng PNP-Intelligence Group (IG) at Counter Intelligence Task Force (CITF)

Ayon sa complainant ng vegetable dealer na si Ronald Guazon na nakatira sa Bgy. Palestina, San Jose City, Nueva Ecija, hiningan umano siya ng suspek ng P6,000 bilang protection money para hindi siya hulihin tuwing magdadala siya ng produkto sa Maynila.

Sa totoo lang, nakaaawa ang mga pangkaraniwang empleyado at motorista na walang kalaban-laban na nabibiktima ng pang-aabuso ng mga pasaway na enforcer at pulis tulad nito.

Samantala, nahuli ang suspek nang tanggapin nito ang marked money na P6, 000 mula sa complainant sa entrapment operation na inilunsad sa Natividad Lopez St. sa harap ng Manila City Hall.

Bukod sa marked money, narekober din sa suspek ang P300, 000 na personal nitong pera.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng Counter Intelligence Task Force (CITF) ang suspek at iniimbestigahan pa kung saan nito nakuha ang ganu’n kalaking halaga ng pera. Hmmm…

Matatandaang, hindi ito ang unang balita na nangyari ang ganitong pangingikil, pero bakit kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin sila natitigil at natatauhan?

Palaisipan tuloy sa atin kung ano ba ang dapat unahing solusyunan ng pamahalaan, paglaganap ng iligal na droga o kahirapan?

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page