top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Malinaw ayon sa birthday… DALAGANG NAKATAKDANG MAGKA-BF NG WALANG SABIT NGAYONG 2019

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 30, 2019
  • 2 min read

Dear Maestro,

Naisipan kong sumangguni sa inyo, Maestro, dahil may gusto akong lalaki ngayon, kapitbahay lang namin. Kaya lang ang problema dalaga pa ako, pero siya ay may asawa na. Napapansin kong may gusto rin siya sa akin dahil madalas niya akong tinitingnan. December 18, 1992 ang birthday ko at August 10, 1986 naman ang birthday niya. Compatible ba kami at puwede ko ba siyang maging boyfriend?

Umaasa,

Ms. Sagittarius ng Talaba, Bacoor, Cavite

Dear Ms. Sagittarius,

Hindi porke tingin ng tingin sa iyo ang lalaki ay may gusto na kaagad siya sa iyo, sa halip, dapat mong ma-realize na para sa lalaki, lalo na at may asawa na pala ‘yung lalaking sinasabi mo, may dalawang ibig sabihin ang salitang "gusto".

Una, gusto ka lang niyang makasiping o maging kerida dahil bata ka pa at maganda, pangalawa, medyo may pagtingin talaga siya sa iyo.

Gayunman, sa kaso ng lalaking may asawa na, mas malamang na “gusto” ka lang niyang "matikman" kaya tingin siya nang tingin sa iyo at kapag pinatulan mo siya, posibleng doon na magsimula ang immoral ninyong relasyon.

Kaya mas makabubuti kung iiwasan mo na siya upang hindi ka makasira ng matinong pamilya. Kapag iniwasan mo siya, kahit sabihin pang compatible kayong dalawa, masasabing nakagawa ka nang napakalaking kabutihan, hindi lamang sa iyong sarili kundi sa pamilya ng pinagnanasaan mong lalaking may asawa na.

Samantala, kapag tuluyan mo ng iniwasan ang kapitbahay ninyong may asawa na, isabay mo na rin ang paghahanap ng boyfriend o pag-e-entertain sa mga manliligaw mong lalaki na ka-compatible mo kung saan silang mga isinilang sa zodiac signs na Aries, Leo, Gemini at kapwa mo Sagittarius, higit lalo silang may mga birth date na 3, 12, 21, 30, 6, 15 at 24.

Sa piling ng ganyang mga klaseng lalaki na binata o walang sabit, may pangako ng isang maligaya at panghabambuhay na relasyon na ayon sa iyong Love Calendar ay nakatakdang mangyari ngayong 2019, sa buwan ng Abril o kaya ay Mayo, sa edad mong 27 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page