Karpintero pinagselosan | 63-ANYOS TINADTAD NG 34 YRS. OLD NA MISTER
- Jeff Tumbado
- Jan 30, 2019
- 1 min read

NASA kritikal na kondisyon ang 63-anyos na lola matapos siyang pagtatagain ng batang kinakasama dahil umano sa tindi ng selos nito.
Nagpapagamot sa ospital si Emelita Ibañez habang nadakip naman ng mga rumespondeng pulis ang 32-anyos na karelasyong suspek na si Cresencio Mayko.
Ayon kay Senior Insp. Ronald Espina, nangyari ang insidente sa bahay ng mag-live-in partner sa Bgy. Buntay.
Naglalaba umano ang biktima nang bigla itong tagain ng suspek dahil pinagseselosan nito ang kanilang karpintero na mayroon umanong relasyon sa kanya.
Nagtamo ng tatlong malalim na sugat ang biktima sanhi ng pananaga.





Comments