top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Gumagana raw ito sa pamamagitan ng pawis, lodi! SKIN PATCH NA NAKADE-DETECT NG SAKIT, NAIMBENTO NA!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 30, 2019
  • 2 min read

‘IKA nga nila, hassle talaga kapag mag­papa-check-up sa clinic o ospital dahil bu­kod sa kailangan ng time, eh, kailangan pa ng pera. Hu-hu-hu! Pero, mas oks na ‘yun, mga besh dahil importante na malaman natin kung ano ang status ng ating kalusugan, ngunit, kung ayaw n’yo talaga ng hassle dahil mga tamad kayo, don’t worry dahil may naimbento ng skin patch na nakade-detect ng iba’t ibang sakit. Woah!

Ayon sa mga siyentipiko mula sa Northwestern Uni­versity, ang skin patch ay gawa sa soft patch sensor na may­roong maliliit na butas kung saan dumadaloy ang pawis para malaman kung may sakit ang indibidwal.

Gayunman, sobrang dali lang gamitin ng skin patch dahil kasinlaki lang ito ng barya na maaaring idikit sa balat tuwing mag-eehersisyo o may gagawing pisikal na aktibidad.

Samantala, L’Oreal ang nag-developed sa skin patch kung saan naisipan nila itong gawin para sa mga taong takot sa injection, partikular na ang mga bata.

Mabibili ang skin patch sa halagang $60, pero magagamit ito sa matagal na panahon, kaya dehins masasayang ang perang ipambibili ninyo rito, gayundin hindi lamang isa o dalawang sakit ang kaya nitong ma-detect dahil universal ito o ‘yung tinatawag na pangkalahatan.

Dagdag pa rito, malaki ang maitutulong ng smart phone dahil dito ninyo makikita ang results na nakuha ng skin patch mula sa inyong pawis.

Ayon sa pag-aaral na nai-published sa Friday in Science Advances, ang skin patch ay may iba’t ibang agent na nagre-react sa chloride, lactate, glucose o pH level at kapag ma­rami tayong pawis ay ganu’n ka-reactive ang nasabing patch.

Maliban pa rito, napaka-convenient ng skin patch dahil ito ay lightweight, soft at battery free kaya sobrang easy lang nitong gamitin at dalhin, pero make sure na iingatan ninyo ito dahil baka masira sa bag ninyo lalo na kung bara-bara kayong maglagay ng mga gamit. He-he-he!

Gayundin, kung wala kang time para magpa-check-up dahil hectic ang iyong schedule, eh, hindi ka na magwo-worry dahil kahit naglalakad ka lang, eh, puwede mo nang matingnan ang iyong health status. Oh, ‘di ba, bongga?

Bagama’t, hindi pa ito naipakakalat sa iba’t ibang merkado, sinabi ng developer na naghihintay lamang sila ng tamang timing para maibenta ito para sa lahat.

Kaya kung ayaw n’yo ng hassle na pagpapa-check-up, go for it, mga beshy!

Pero, habang wala pa, eh, mag-ipon muna, okie?

Palaging tandaan, na mas maganda ang taong may pakialam sa kalusugan at hindi lang sa labas na kaanyuan.

Gets mo?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page