top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

CCTV sa mga Simbahan kontra masasamang-loob

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 30, 2019
1 min read

KAUGNAY sa malagim na pagbomba sa Cathedral sa Jolo, Sulu, isang payo ang inihirit sa mga Simbahan.

Ayon sa Public Safety and Security Command Center (PSSCC), makatutulong ang paglalagay ng closed-circuit television (CCTV) cameras para ma-monitor ang kahit na anong banta ng seguridad.

Kung may mga CCTV camera ang mga Simbahan, masisiguro umano ang seguridad para sa mga nagsisimba.

Layunin ng nasabing panukala na maiwasan ang trahedyang nangyari sa Mt. Carmel Cathedral kung saan mahigit 20 ang nasawi at higit 100 naman ang sugatan.

Gayunman, bukod sa pagkakabit ng CCTV camera, dapat ay may mga nakatalagang magbabantay dito.

Kailangang may mga magmo-monitor 24-oras upang higit na mapigilan ang anumang banta.

Sa kahit anong pagkakataon kung may CCTV nga pero, walang nakaantabay sa oras na sumalakay ang masasamang-loob, matutuloy pa rin ang krimen, may mabibiktima at ang tanging habol nalang ay ang pagtukoy sa salarin.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page