Cash gift sa mga edad 85 hanggang 100, lusod na
- Vyne Reyes
- Jan 30, 2019
- 1 min read

APRUB na sa House Special Committee on Senior Citizens ang panukala na magkakaloob ng cash gift sa mga senior citizen mula 85 hanggang 100 taong gulang.
Layunin ng panukala na maibalik sa mga senior citizen ang tulong na naiambag nila sa komunidad at para sa kapakinabangan din ng mga nakatatanda na hindi nakatatanggap ng buwanang pensiyon.
Inaamyendahan ng panukala ang Section 2 ng Centenarians Act of 2016 kung saan ang mga senior citizen na may edad 85, 90 at 95 ay mabibigyan na ng cash gift bukod pa ito sa kanilang matatanggap kapag umabot sa 100 taon.
Sa ilalim ng panukala, ang mga senior citizen na sasapit ng edad 85 ay makatatanggap ng P25,000 cash gift.
Kapag umabot na ang senior citizen ng 90-anyos, panibagong P25,000 cash gift.
Ang mga senior citizen na may edad 95 ay makatatanggap ng P50,000 cash gift. Awtomatiko namang makatatanggap ng P100,000 cash ang mga centenarian o 100 years old kalakip ng plaque o liham ng pagkilala mula sa pamahalaan.
Sakop ng panukala ang mga Filipino senior citizen na nasa Pilipinas o sa abroad na naninirahan.





Comments