7 yrs. old nalitson
- Vyne Reyes
- Jan 30, 2019
- 1 min read

NATUSTA nang buhay ang pitong taong gulang na lalaki makaraang masunog ang kanilang bahay sa Bgy. Commonwealth, Quezon City kahapon.
Ayon kay Senior Fire Officer 3 Rolando Valena, kinilala ang nasawi na si Jaren Repangcol. Nakaligtas naman ang kapatid nitong si Prince Quiel Repangcol, 6.
Bago mag-alas-4:00 ng madaling-araw nang sumiklab ang apoy at mabilis na kumalat sa mga bahay sa Litex Road.
Nagsimula umano sa bahay ng Pamilya Repangcol ang apoy. Natutulog ang mga bata nang mangyari ang sunog habang umalis ng bahay ang ginang para puntahan ang kanyang asawa na si Renato na nagtatrabaho bilang tagakolekta ng basura.





Comments