Viewers, pinagmumukhang tanga ng writer...PALPAK NA EKSENA SA SERYE NG SIYETE, PINALAGAN NG DOKTOR
- BULGAR

- Jan 29, 2019
- 2 min read

ISANG netizen ang bumatikos sa seryeng Asawa Ko, Karibal Ko dahil daw sa medical error sa isang eksena kung saa’y involved ang mga characters nina Thea Tolentino at Matthias Rhoads.
Sa nabanggit na episode aired last January 14, habang nakahiga sa hospital bed si Daniel (Matthias), sinubukan ni Venus (Thea) na takpan ng unan ang mukha ng pasyente.
Hindi nga lang nag-succeed si Venus sa plano niya dahil sa pagdating ni Gavin (Rayver Cruz).
Nitong January 22, isang Twitter user named @Simply_Clinton ang nagsabing hindi puwedeng mamatay si Daniel sa suffocation kahit pa takpan ng unan ang mukha dahil may tubong nakakabit sa mechanical ventilator kung saan siya humihinga.
Kasama ang screenshot ng ekesna, ani @Simply_Clinton, “Sino na naman ang researcher nito? Sorry, ha, pero saksakan ng shunga. Kahit pa ilang oras mo idagan ‘yang unan, makakahinga pa rin siya kasi nga secured ang airways niya niyang intubation na nakakabit sa mech vent. Bwahahahaha si bitter na naman ba ang writer nito?”
Tumugon naman ang GMA-7 creative writer na si Suzette Doctolero sa sinasabing medical error. Bagama’t hindi pinangalanan, tinukoy naman nito na isang Kapuso writer ang “bitter”.
Sey ni Suzette, “Writer ba ang nagdirek niyan o nag-execute? Kita mo nga, nag-point out ka ng mali pero mali din sinisisi mo. Hehehe.”
Hindi sinagot ni @Simply_Clinton ang tweet ni Suzette.
Pero, nag-reply siya sa iba pang netizens at in-explain ang kanyang credentials.
One netizen told him, “Subukan mong ganyan ‘pag pinush ‘yung unan, siyempre mas malakas ang force nu’n, matatanggal ‘yang tube sa pagkakadikit, SHUNGA ka rin.”
Inamin ni @Simply_Clinton that he is actually a doctor, at kanyang paliwanag, “May cuff ‘yang endotracheal tube na ini-inflate para ma-secure sa loob ng trachea. Di ‘yan basta mahuhugot kahit hilahin unless sinira ‘yung vocal chords ng tao. Makatawag ka ng tanga. Doctor ako, mga intensive care na pasyente ang hawak ko FYI kaya sanay ako sa ganitong eksena.”





Comments