THUNDER, CAVALIERS, ROCKETS, JAZZ AT RAPTORS, MALULUPET
- BULGAR

- Jan 29, 2019
- 2 min read

HUMUSAY sa dunks at blocks si Giannis Antetokounmpo sa tagpong ito ng laban. Hindi siya normal na nagda-dunk at nananapal.
Pero iyan ang nangyari kahapon sa NBA game nang magapi ang Milwaukee Bucks sa Oklahoma City Thunder, 118-112. Nagsimula si Antetokounmpo sa 0-for-7, natapalan pa ng 7 beses, karaniwan sa player na may single game ngayong season, mayroon pa siyang injury pero pagdating sa huli si Paul George na ang bumanat sa huling bakbakan.
Tumapos si Giannis na may 27 puntos at 18 rebounds. Siya na rin ang maituturing na pinaka-unique na atleta sa kasaysayan ng liga na bihirang makita na tulad nina Jerami Grant at Nerlens Noel sa paglalaro. Pero si George ang huling bumida sa Thunder, ang 2019 All-Star starter ay nakapagsalpak ng walong tres sa kabuuang 36 puntos habang si Russell Westbrook ay may 13-point triple-double, ika- 16 niya ngayong season. Samantala, gaya pa rin ng dati, si James Harden ang gumagawa sa team, walang inasahan kundi siya. Nakagawa ang reigning MVP ng big clutch upang pamunuan ang Houston Rockets para sa nakagugulat na 103-98 win laban sa Orlando Magic. Tumapos si Harden ng 40 puntos, 11 boards, at 6 assists, habang si Chris Paul ay may 12 points, 5 rebounds at 6 assists. Nasayang ang tikas ni Aaron Gordon sa Orlando na may 23 puntos.
Sa iba pang laro, lumagare si Ivica Zubac ng 24 puntos at career-high 16 rebounds upang maiwasan ng Los Angeles Lakers ang season-long four-game losing streak sa bisa ng 116-102 win kontra sa bisitang Phoenix Suns. Nakakamada si Kentavious Caldwell-Pope ng 24 points, tumapos si Brandon Ingram ng 22 points habang si Lance Stephenson ay may 10 points sa huling bahagi ng peryodo para sa Lakers.
Tinusta naman ng Miami Heat ang New York Knicks, 106-97 habang tinalo ng Toronto Raptors ang Dallas Mavericks, 123-120. Hindi naman pinaporma ng Utah Jazz ang Minnessota Timberwolves, 125-111 habang tinambakan ng San Antonio Spurs ang Washington Wizards, 132-119. Tinalo ng LA Clippers ang Sacramento Kings, 122-108, habang pinaamo ng Cleveland Cavaliers ang Chicago Bulls, 104-101. (MC)





Comments