Sumalpok sa puno at van | MAG-ASAWANG SAKAY NG TRICYCLE, DEDBOL
- Mylene Alfonso
- Jan 29, 2019
- 1 min read

TODAS ang mag-asawa makaraang mawalan ng kontrol ang sinasakyang tricycle service ng barangay kahapon ng umaga sa Sampaloc, Manila.
Kinilala ang mga biktima na sina Erlito de Manuel, 63, at misis nitong si Ma. Luisa, 60, kapwa residente ng San Miguel, Manila.
Batay sa imbestigasyon ng Manila District-Traffic Enforcement Unit (MDTEU), alas-6:02 ng umaga nang mangyari ang insidente sa panulukan ng Dimasalang at Simoun Sts., Sampaloc, Manila.
Nakasakay umano ang mag-asawa sa tricycle service ng barangay at matulin na pinatatakbo at nang pagsapit sa nasabing lugar ay pumaling ang manibela ng tricycle at rumampa sa center island, bumangga sa puno saka bumaligtad ang tricycle at tumama sa dumarating na van na minamaneho ni Vivencio Tan, 62, ng Sta. Maria, Bulacan at driver ng Mitsubishi Delica van.
Dahil sa pagbaligtad ng tricycle, tumilapon ang mag-asawa. Agad namang isinugod ang mga biktima sa Chinese General Hospital pero, kapwa nasawi alas-7:37 ng umaga dahil sa matinding pinsalang tinamo.





Comments