Sulu bombing inako ng ISIS, Martial Law pa more!

KINONDENA ng Santo Papa at lider ng Muslim sa daigdig ang pambobomba sa Jolo, Sulu.
Mabubuhay ba ng kondena ang mga biktima?
◘◘◘
HATI pa rin ang Mindanao.
Kailangan ang isa pang Bangsamoro Organic Law!
◘◘◘
INAKO ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang terorismo sa Jolo, Sulu.
Martial Law pa more!
◘◘◘
KINILALA ng U.S. at mga kaalyado ang lider ng oposisyon sa Venezuela imbes ang nagwagi sa eleksiyon.
Pero, ang military ng Venezuela ay solido kay Maduro!
◘◘◘
ANG panghihimasok ng mga dayuhan sa mga independent state ang nagbubunsod ng kaguluhan.
Gusto nilang diktahan ang maliliit na bansa!
◘◘◘
YUMAO na ang Pinoy Rock Star na si Joey “Pepe” Smith.
Sobrang pagod na siya!
◘◘◘
BIBINYAGAN din ng Pilipinas ng sariling pangalan ang Benham Rise.
Puwedeng bansagan itong “unli rise”!
◘◘◘
PINALITAN na ang murder suspect na mayor ng Daraga, Albay.
Huwag sanang ma-ambush ang papalit sa kanya!
◘◘◘
HINDI raw maiiwasan ang paghaharap nina Sen. Manny “Pacman” Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr.
Iniaayos ni Mommy Dionesia ang kanilang “boodle fight”!





Comments