Sa edad 71, inatake…PEPE SMITH, PUMANAW NA

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

SA edad na 71 ay pumanaw na kahapon (January 28) dahil sa cardiac arrest ang King of Rock and Roll na si Pepe Smith o Joseph William Feliciano Smith sa totoong buhay.
Nobyembre, 2017 nang isinugod ang singer sa Metro Antipolo Hospital matapos ma-stroke sa ikatlong pagkakataon.
Noong Setyembre, 2018 naman ay sumailalim ang singer sa operasyon sa kanyang gallbladder.
Kahapon ng umaga ay kinumpirma ng mga anak ng King of Rock and Roll ang pagkamatay ng singer. Nagbigay-pugay ang kanyang anak na sina Daisy Smith-Own at Sanya Smith sa kanilang yumaong ama.
Mensahe ni Daisy sa kanyang Facebook post: “Thank you for everything Papa Bear ko. Thank you for being the best dad in the world. I know you’re in the best place now, no more pains Papa... I will see you in few days. I love you to the moon and back.”
Ang anak naman ng singer na si Sanya Smith ay nag-post sa kanyang Instagram account kung saan makikitang nakayakap ito sa singer at ang tanging caption na inilagay ay double heart at cloud emoji.
Maraming showbiz personalities din ang nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ng King of Rock and Roll. Isa na rito ay si Zsa Zsa Padilla na nag-tweet ng: “R.I.P. Pepe Smith.”
Si Martin Nievera, nag-post ng litrato ng singer sa kanyang Instagram account at nilagyan ng caption na: “Rock on Pepe Smith! It just got a little louder in Heaven... #Repost @robinnievera with @get_repost Thank you for the music. Thank you for Pinoy Rock. Thank you for always putting on a great show for everyone. Rackenroll, sir. #rippepesmith.”
Ang singer-host ng It’s Showtime na si Jugs Jugueta ay nag-post sa kanyang Instagram ng litrato nilang dalawa ni Pepe Smith at nilagyan ng caption na: “Pagtanda ko, ipagmamayabang ko sa mga batang musikero na naging kaibigan ko ‘yung nag-umpisa ng lahat... ‘yung King of Pinoy Rock, si @joeypepesmithofficial. Pahinga ka na, Pepe. Mahal na mahal ka namin at ng maraming-maraming tao! Kita tayo sa dulo, pagdating ng panahon. #RIPPepeSmith #RockNRollInHeaven #RockNRollToTheWorld”
Si Pepe Smith ang bokalista at drummer ng Pinoy rock band na Juan dela Cruz na nagpasikat ng mga kantang Mamasyal sa Pilipinas, Balong Malalim, Kagatan, Sarap ng Buhay, Rock & Roll sa Ulan, Titser’s Enemi, Project, Divisoria at ang kanilang pinakasikat na kantang Himig Natin.





Comments