PERPEKTO NA ANG LARO NG ALAB VS. HONG KONG SA ABL


MULING nangibabaw ang tikas ng Pilipinas sa 2018-2019 Asean Basketball League. Mula sa husay nina Renaldo Balkman at PJ Ramos, kontribusyon nina Josh Urbiztondo at Lo Domingo, ginapi ng Alab Pilipinas ang bisitang Hong Kong, 88-76 sa Sta. Rosal Multi-Purpose Complex sa Sta. Rosa, Laguna, Sabado ng gabi. Naglaro nang wala si back-to-back Local MVP Ray Parks Jr. para sa second straight game, bumida sa home team sina Urbiztondo at Domingo at nagsilbing back-up ng reinforcements.
Gaya ng inaasahan nailabas nina veteran Urbiztondo ang husay sa bisa ng 16 points, 4 steals, 3 assists at 3 rebounds, habang ang stalwart ay may 10 puntos at 7 boards. Ang dalawa ang tumulong kay Balkman na may 9 puntos sa krusyal na 17-2 third-quarter para sa 62-45 lead.
Pagkaraan ng laban, tumabo si Balkman ng 20 points, 14 rebounds at 7 assists habang si Ramos ay may 18 puntos. Dumagdag si Caelan Tiongson ng 10 points habang si Ethan Alvano ay may 7 puntos, 7 rebounds at 5 assists na pumapel sa posisyon ni Parks na ‘di nakapaglaro dahil injured ngayon. Sapat na ang team effort para sa perpektong record ng mga Pinoy sa bansa na may 9 na pagwawagi sa 9 na laro. (MC)





Comments