top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Nagpakilalang anak ng amo, pinapasok ng maid | GINANG NINAKAWAN, PINATAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 29, 2019
  • 1 min read

NATAGPUANG wala ng buhay at duguan ang ginang matapos pasukin ng mga magnanakaw ang bahay nito sa Bgy. Madasigon, Molave, Zamboanga del Sur.

Kinilala ang biktima na si Eriberta Zamora, 79-anyos. Batay sa inisyal na imbestigasyon, pinapasok umano ng kasambahay ng ginang ang mga kumatok na hindi kilalang suspek ngunit, nagpakilalang anak ng biktima.

Pinaniniwalaang pinalo ng ilang beses sa ulo ang biktima gamit ang bote ng softdrinks at plastic na upuan na naging dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Ayon sa anak ng biktima, mahigit P45,000 pera at alahas ang natangay ng mga magnanakaw. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page