top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Movie niya tungkol kay Bato, ipinaboboykot…HIRIT NI ROBIN: ARTISTA LANG AKO!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 29, 2019
  • 2 min read

MULI ay nagbigay si Robin Padilla ng kanyang damdamin tungkol sa balitang ibo-boycott ang pelikula niyang BATO: The Gen. Ronald dela Rosa Story ng mga kasamahan sa industriya. Sa kanyang mahabang Instagram post, idiniin ng Action Superstar na wala raw dapat kinalaman ang pulitika sa paggawa ng pelikula.

“May mga rebolusyunaryong nasa kabilang ibayo ang nais i-boycott ang pelikula ko dahil sa pulitika. Hindi ko alam kung saan nila natutunan na ang pagpigil sa paghahanapbuhay ng manggagawa ay pagiging isang makabayan.

“Napakalayo po ng pagitan ng industriya ng pelikula at entablado sa mundo ng pulitika kahit na maraming artista ang nahuhumaling sa pulitika at napakarami din pulitiko ang nahuhumaling sa mga artista at pag-aartista,” umpisa ng post ni Binoe.

Ipinaliwanag din ng action star na hindi dapat nadadamay ang mga production people at iba pang maliliit na manggagawa na nagtatrabaho lang.

“Ang mga nasa likod po ng pelikula ay mga taong hindi palara! Sila’y hindi sumasamba sa piso at sila ay sobrang mga simpleng tao. Karamihan po d’yan ay self-employed, hindi mga regular, sa madaling salita, isang kahig, isang tuka rin.

“Napakahirap po ng buhay-pelikula, wala pong pinakamahirap na trabaho at pinakadelikado kundi ang paggawa ng pelikula. Lahat po ng pagpapaganda, gagawin para sa panlasa ng mga manonood. We always give our very best lalo sa paggawa ng pelikulang action,” patuloy ni Robin.

He also pointed out na hindi naman mabibigyan ng pulitika ng trabaho ang mga maliliit na tao sa pelikula kaya hindi sila dapat maging biktima.

“Pakiusap namin sa mga rebolusyunaryo sa kabilang ibayo na mag-isip din kayo bago kayo umaksiyon at magsalita dahil kilala n’yo rin kung sino ang mga maliliit sa mundo natin.

“Kailangan nila ng trabaho, mga kapatid sa pelikula, hindi sila dapat maging biktima ng pulitika natin dahil sa totoo lang, wala pa naman nagawang maganda ang pulitika natin sa kanila ano man ang partido kaya kung makapagbibigay tayo ng trabaho sa kanila, bakit naman n’yo pipigilan?

“Ang pinakamainam nga ay himukin n’yo si Trillanes o si Alejano na gawin din ang mga buhay nila para may mga taga-pelikula na magkatrabaho at may maiuwi sa pamilya nilang suweldo.

“Ang pulitika ay hindi isang bagay na kikitil sa hanapbuhay ng isang manggagawa. Kapag naging ganyan ang prinsipyo at adhikain ng isang rebolusyunaryo, kailan man hindi natin makakamtan ang tagumpay laban sa uring may mga kapangyarihan.

“Kung gusto n’yo ng laban, hindi dapat tayo maghiwalay at maging daan para ang industriya ay malaglag. Fight for Labor laws! Sama-sama tayo!” ang pagtatapos ni Binoe.

Sa nakaraang presscon ni Robin ng BATO bioflick ay nagbigay na rin si Binoe ng reaksiyon tungkol sa akusasyong propaganda movie ang pelikula at aniya, nagtatrabaho lang siya bilang artista.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page