top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Misis dinalaw sa ospital | OFW NA MISTER NIRATRAT, UTAS

  • Paul Lamsen
  • Jan 29, 2019
  • 1 min read

ISANG mister na OFW ang pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang lalaki kamakalawa ng gabi sa Bantay, Ilocos, Sur.

Kinilala ang nasawi na si Jose Perlas, negosyante, OFW, 47, may asawa at naninirahan sa nasabing lugar.

Alas-7:00 ng gabi, papauwi na ang biktima lulan ng kanyang sasakyan galing sa kanyang misis na dinalaw nito sa ospital.

Pagtapat nito sa mismong gate ng kanilang bahay nang biglang sumulpot ang naglalakad na armadong suspek saka siya pinagbabaril nang malapitan sa ulo.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaslang habang tinutugis pa ang salarin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page