Lalaki tumalon sa footbridge, dedbol

BIYAK ang ulo ng 30-anyos na lalaki matapos tumalon sa footbridge kahapon ng umaga sa Sampaloc, Manila.
Base sa nakuhang voters’ ID sa kanyang bulsa, kinilala ang biktima na si Johnny Deinla, tubong-Sitio Calauan, Cantoria, Masbate.
Sa imbestigasyon ni PO3 Jorlan Taluban, alas-8:10 ng umaga nang mangyari ang insidente sa A. Mendoza Avenue corner P. Paredes St., Sampaloc, Manila.
Una rito, isang guwardiya umano ang nakakita sa biktima na pabalik-balik na naglalakad sa footbridge at ilang sandali pa ay nakita niyang umupo sa pasimano ng footbridge saka biglang lumundag kung saan nauna ang ulo.
Namatay noon din ang biktima dahil nabiyak ang ulo nito nang pumalo sa sementadong kalsada.
Wala namang nakakikilala sa biktima kaya hinihinalang dayo lamang ito sa lugar.
Dinala ang bangkay sa Archangel Funeral para sa awtopsiya at safekeeping.





Comments