Kung talagang gugustuhin, Abu Sayyaf kayang-kayang pulbusin ng AFP at PNP!
- BULGAR

- Jan 29, 2019
- 2 min read
IMBES NA IPAPULBOS SA AFP AT PNP ANG ABU SAYYAF, BINEYBI PA NI P-DUTERTE — Kung sa pag-upo noon ni P-Duterte bilang lider ng bansa, ipinakita na niya ang kanyang tapang sa Abu Sayyaf Group (ASG) sa pamamagitan nang pag-utos sa AFP at PNP na pulbusin ang mga teroristang ito, sana ay walang naganap na pagpapasabog ng ASG sa Jolo Cathedral na kumitil sa buhay ng 27 Katoliko.
Pero, walang ganyang pangyayari at sa halip bineybi pa ng pangulo ang mga bandido nang sabihin niya noon na hindi raw kriminal ang mga Abu Sayyaf at bibigyan pa raw niya ng bahay at iba pang benepisyo ang mga ito kapag sumuko raw sa pamahalaan, buwisit!
◘◘◘
PUWERSA NG ABU SAYYAF, MALIIT LANG KUMPARA SA PUWERSA NG AFP AT PNP—Maliit na puwersa lang ang Abu Sayyaf kaya kung ipag-uutos ni P-Duterte na pulbusin ang mga ito ay madali lang itong magagawa nang malakas na puwersa ng AFP at PNP.
Ang masaklap, imbes na ipakita ni P-Duterte sa mundo ang kanyang tapang laban sa Abu Sayyaf, sa Catholic Church niya ipinakita ang kanyang tapang nang sabihin niyang istupido ang Diyos, wala siyang bilib sa Diyos at inutusan pa ang mga tambay na holdapin at patayin ang mga Obispo, boom!
◘◘◘
DIOKNO, AYAW MAGLUBAY SA KASISINGIT NG MGA KUWESTIYUNABLENG PROYEKTO NGAYONG 2019 NATIONAL BUDGET—Ibinulgar ni Camarines Sur Rep. Rolando Andaya, Jr. na bukod umano sa P75 bilyong “pam-project” ng mga kontratistang may konek sa Malacañang na isiningit ni Budget Sec. Benjamin Diokno ngayong 2019 National Budget ay may P53 bilyon pa raw itong isiningit ngayong 2019 DPWH Budget.
Dapat yata, magtatag na si P-Duterte ng bagong ahensiya na tatawaging “Department of Insertion” at dito niya italaga si Diokno kasi r'yan yata expert ito, ang magsingit ng mga kuwestiyunableng proyekto na ang pondo ay kukunin sa kaban ng bayan, buwisit!
◘◘◘
RAKET NINA “TINA U”, “MANNY SANTOS” AT “JRT”, NAMAMAYAGPAG SA BUREAU OF CUSTOMS—Patuloy na namamayagpag ang raket na smuggling nina “Tina U”, “Manny Santos” at JRT” sa Bureau of Customs.
Akala ng publiko, porke dating AFP Chief ang Bureau of Customs Head sa katauhan ni Comm. Joel “Jagger” Guerrero ay matitigil na ang smuggling, ‘yun pala ay mas namamayagpag pa ang raket ng mga smuggler, pwe!





Comments