Kaya sa mga beshy natin na may kilala na dumaranas ng sobrang kalungkutan, read n’yo ‘to! AMOY NG LA

MAHILIG ba kayo sa air freshener dahil conscious kayong masyado sa naaamoy ninyo lalo na kapag nasa bahay kayo at may pupuntang bisita? Oks ‘yan dahil ayon sa mga eksperto, ang paglalagay o pag-i-spray ng air freshener na lavender scent ay mainam umanong panlaban sa depresyon. Weh, ‘di nga?
Sa panahon ngayon, ultimo mga pampabango at pampaganda sa bahay ay pinaggagastusan na talaga, kahit medyo pricey, eh, kiber dahil para naman ito sa bahay.
Pero, knows ba ninyong mabuti lang ‘yan dahil ayon sa pag-aaral, ang pag-amoy sa mabangong bagay ay nakapagpapaganda ng mood, partikular na kung ang scent na pinili ninyo, eh, lavender.
Sa pag-aaral, ang lavender umano ay nakare-reduce ng stress, ito ay dahil nai-increase nito ang heart rate variability natin na nakapagbibigay ng signal sa ating higher stress tolerance.
Bukod sa stress, nai-increase rin ng lavender ang ating brain waves, ang alpha at theta.
Kung dehins naman tayo makatulog sa gabi dahil para sa atin ay puyat is lifer, huwag kayong mag-alala dahil ang lavender scent ay nakai-improve ng kalidad ng tulog kaya kahit may insomnia kayo, eh, alam n’yo na ang katapat nito.
Gayunman, sa pag-aaral, 17 matatanda na may alzheimer ang sumailalim sa eksperimento kung saan natuklasan na ang lavender ay nakae-enhace ng brain function.
Samantala, ang lavender ay mayroong antioxidant at anti-inflammatory effects na nakatutulong upang maagapan natin ang pagkakaroon ng allergic reaction at suppress inflammation sa lungs, partikular na ang bronchial asthma.
Maliban pa rito, may sugat ba kayo, mga beshy? Ooops, hindi sa puso kundi sugat talaga. Ha-ha-ha!
Hindi mo na kailangan ng band aid dahil keri ring makagamot ang lavender sa mga sugat, paso at iba’t ibang skin disorder, oh, ‘di ba, bongga?
Kung may dysmenorrhea ka naman, mamsh, dehins mo na need uminom ng kung anu-anong pain reliever, dito tayo sa lavender na organic na, mabango pa.
Dagdag pa rito, kung medyo nagiging panutsa na kayo, mga mamshie at papshie, maglagay lamang kayo ng lavender oil sa inyong anit at tiyak na babalik na ang nalagas ninyong buhok.
Kaya, mga beshy, minsan oks lang din ang pagiging maarte dahil sa totoo lang, may maganda rin itong naibibigay sa ating kalusugan na makabubuti sa atin bilang indibidwal.
Gets mo?





Comments