BOL kahit pasado na sa plebisito | GULO SA MINDANAO, HINDI MAWAWALA

MATAPOS ang dalawang pagsabog sa Jolo, Sulu, ilang araw lang matapos ang pag-apruba sa Bangsamoro Organic Law (BOL), ipinahayag ni dating Senate President Juan Ponce Enrile na ang paglikha ng bagong autonomous region ay maaaring hindi makalutas sa ‘disunity’ at gulo sa Mindanao.
Isang dahilan umano ang hindi kumpletong pagkakaisa maging sa mga miyembro ng relihiyong Islam.
Ang ‘other forces’ aniya ang maaaring may kagustuhang sakupin ang teritoryo ng Mindanao na magdudulot ng pagkakawatak-watak ng bansa.
Nang tanungin kung sinusuportahan ba niya ang implementasyon ng BOL, ani Enrile, “I will support it. But, as I said, the mere fact that the law was passed by Congress does not solve the problem. It has to be tested on the ground whether it will work or not. And I hope that it will work although I have my reservations”.





Comments