34 dedbol | MAY-ARI NG GUMUHONG DAM, PINAGMUMULTA
PINAGMUMULTA ng $66 million ang may-ari ng gumuhong dam kung saan nasawi ang 34 katao sa southeastern Brazil.
Batay sa tala, ito ang pinakamalaking environmental penalty na naipataw sa kasaysayan ng bansa.
Napag-alaman na mayroong paglabag ang Vale sa mining dahilan para pagmultahin ito ng Brazilian Environmental Agency na Ibama.
Matatandaang, gumuho ang dam sa Mirais Gerais region noong Biyernes.
Iniutos ng korte sa lugar ang paglalabas ng freeze order sa bank account ng kumpanya na mayroong $1.3 billion.





Comments