top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

WARRIORS NINA THOMPSON AT CURRY, WAGI, HEAT TINUSTA ANG CAVALIERS

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 28, 2019
2 min read

BINASAG ni Klay Thompson sa 8 puntos ang patas sa huling 9:07 sa bisa ng dalawang free throws sa nalalabing 46.1 segundo nang gapiin ng Golden State Warriors ang Boston Celtics, 115-111 sa NBA game kahapon.

Ang panalo ang ika-10 straight win ng Warriors at ika-9 sa road game ang pinakamahaba sa NBA ngayong season.

Ang Boston na nakapagwagi ng huling limang laro ay may 10-game home winning streak. Ang free throws ni Thompsons ay mula sa tres puntos ni Marcus Smart sa nalalabing 1:08 para pumatas sa 111 ang iskor.

Matapos na bigyan ni Thompson ang Warriors ng kalamangan, dalawang tirada ang binira ng Celtics pero sumablay pareho ang tres nina Smart at Al Horford. Nagmintis ang dalawang free throws ni Draymond Green sa natitirang 8.6 segundo para may tsansa na sana ang Celtics, pero nakuha ni Steph Curry ang bola at nakapag-foul sa 6.2 na natitirang segundo.

Samantala, kulelat na talaga ang Cleveland Cavaliers nang muling matikman ang bagong pagkatalo nang biktimahin ng Miami Heat, 100-94.

Nabilang na sa 23 ang pagwawagi ng Miami Heat Heat habang hindi nagalaw sa 9 lang na panalo at may 41 nang talo ang dating team ni Lebron James.

Nakalalamang pa ang Cavaliers sa unang sigwa ng laro sa bisa ng tres puntos nina Collin Sexton at Alec Burks.

Hindi sila pinalad sa 3rd at 4th quarter nang magsimulang gumana ang tikas ng Heat at wala nang lingun-likod na bumanat na ang mga ito ng kanilang malulupet na laro. Tila nakapag-ipon ng matinding enerhiya si Justise Winslow sa nagawa niyang 27 puntos na tinulungan ni Hassan Whiteside na may natipon nang 14 puntos at 13 rebounds. (MC / ATD)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page