'Wag lang masisi ang Dubsmash Queen sa pagkasira ng AlDub...ALDEN, DEHADO NA KINA MAINE AT ARJO,
- BULGAR

- Jan 28, 2019
- 1 min read

ANG labu-labo naman ng ilang AlDub bashers na sa halip na si Maine Mendoza ang harapin at sumbatan sa pagkakabunyag ng relasyon nila ni Arjo Atayde, eh, ang dehado pang si Alden Richards ang kanilang binabaligtad ngayon at inaakusahang nanakit kay Maine noon.
May video-video pa kuno silang ebidensiya against Alden. Reverse tactic ba ito upang hindi maibagsak kay Maine Mendoza ang sisi sakaling mabuwag na nang tuluyan ang AlDub love team?
Napaka-unfair naman nito para sa Pambansang Bae! Siya na nga ang dehado, siya pa ang pinalalabas na nananakit sa kapareha. Hindi ganito ang pagkakilala ng lahat kay Alden Richards.
Tiyak na ipagtatanggol si Alden ng kanyang mga solid at loyal fans and supporters.
Dapat kasi, noon pa nagpakatotoo ang AlDub fans at tinanggap ang pangyayari!





Comments