Pati magulang napatay | KELOT NAMARIL, 5 TODAS
NASAWI ang lima katao matapos ang magkahiwalay ngunit pinaniniwalaang magkaugnay na pamamaril sa Louisiana sa Estados Unidos.
Dalawang insidente ng pamamaril ang naganap sa Ascension at Livingston parishes na malapit sa Baton Rouge, ayon sa awtoridad.
Gayunman, inakusahang pinatay ng suspek na si Dakota Theriot, 21, ang kanyang mga magulang na sina Elizabeth at Keith Theriot.
Sinasabing nakapatay din ng tatlo katao si Dakota sa kalapit na Livingston Parish kung saan natagpuan ang bangkay ng mga biktimang sina Billy, Summer at Tanner Ernest noong Sabado ng umaga (local time).
Samantala, dalawang bilang ng first degree murder, illegal use of weapons at home invasion ang mga kasong isinampa laban sa suspek.
Patuloy pa ang imbestigasyon upang matukoy ang motibo sa pamamaril.





Comments