Patay sa pagguho ng dam sa brazil, 34 na
MALIIT na ang tsansa na makakita pa sila ng buhay matapos ang pagguho ng dam sa isang iron mine sa Brazil, ito ang inamin ng mga opisyal ng estado ng Geraris.
Umabot sa 34 katao ang kumpirmadong nasawi sa pagguho ng umano’y pinakamalaking dam sa bansa.
Ayon kay Minas Gerais Gov. Romeu Zema, posibleng bangkay na lamang ang marerekober nila matapos ang trahedya.
Sa naunang pahayag ng Minas Gerais Fire Department, 300 katao ang patuloy na hinahanap habang 46 ang natagpuang buhay.
Mahigit 200 residente ng Brumadinho sa nasabing estado ang nawawala habang 100 hanggang 150 minero na nagtatrabaho sa ilalim ng mining dam.
Gayunman, naisuguod umano sa pagamutan ang 23 katao matapos magpakawala ng rumaragasang tubig ang dam.
Nagtungo sa lugar si Brazilian President Jair Bolsonaro kung saan nangako ito na tutulong sa mga biktima.





Comments