top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mga piktyur kumalat... KALAT NA: LOVI, HOLLYWOOD ACTOR ANG BAGONG BF

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 28, 2019
  • 1 min read

Beth Gelena / BULGARY FILES

KASALUKUYANG nagliliwaliw sa Amerika ang Kapuso actress na si Lovi Poe. Maraming ipinost na OOTD shots si Lovi sa kanyang social media account.

Sa dami ng mga kuhang larawan, ang mas umagaw ng pansin sa mga netizens ay ang mga nagguguwapuhang guys na kasama ng aktres.

Isa raw dito ay isang Hollywood actor na nakilala ng isang fashion magazine na ka-hang-out ni Lovi sa Los Angeles, California.

Katunayan, ipinost din ng Hollywood actor sa kanyang Instagram page ang mga larawan nila ni Lovi.

Ang nasabing Hollywood actor ay nagngangalang Gavin Leatherwood at gumaganap bilang Nicholas “Nicholas” Scratch sa isang warlock Netflix series na The Chilling Adventures of Sabrina.

Ibinahagi ni Gavin sa kanyang IG story ang photo nila ni Lovi kasama ang dalawang kaibigan ng aktor na si Garrett Myers at ang producer na si Montgomery Blencowe.

Is it true na ang Hollywood actor ang bagong boyfriend ni Lovi? Just asking!!!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page