Kahit nagpapalit na ng kasarian…ITLOG NI AIZA, NAGAMIT PARA MAGKA-ANAK SILA NI LIZA


HITSURA ng isang manganganak na si Ice Seguerra sa sobrang excitement na naramdaman ng kanyang “misis” na si Liza Diño habang naghihintay na ma-harvest na ang egg ng singer/composer sa ospital last Thursday.
Sa post ni Liza sa kanyang Instagram account habang nasa waiting room ng ospital ay in-announce niya ang pag-harvest sa egg ni Ice pagkatapos magpaturok sa kanyang butt for 12 days. At inamin ni Liza na ru’n pa lang nagsi-sink-in sa kanya na nagsisimula nang matupad ang pangarap nila ni Ice na magka-baby.
“For the last 12 days, I tried to normalize everything. I went with him sa first day ng injection niya but after that, we both went back to our daily routine and isang beses ko na lang ulit siya nasamahan. It’s not because I’m not excited, we’ve been looking forward to this since the time we got married although laging nade-delay or kapos kami sa funds. So, kahit sinasabi ko na mangyayari siya, parang dream lang,” mensahe ni Liza sa kanyang IG account.
Pero nu’ng nasa loob na raw siya ng ospital, may na-validate raw siya sa sarili niya at ‘yun ay nu’ng ma-realize niya na takot pala siya sa ospital.
“Grabe ‘yung aversion ko. Ang lamig ng pawis ko ngayon and sitting here right now sa waiting room, while he’s inside, I’m asking myself if I ever made him feel that I wasn’t there enough kasi ‘di ko siya nasasamahan. But I’m so proud of him, sobra!”
October of 2018 ay nagsimula nang i-prepare ni Ice ang sarili at nag-umpisang mag-take ng estrogen pills.
“Siya lang yata ang transman na nagte-take ng estrogen (laughs), but he is determined...”
Hindi lang daw sila ni Ice ang may dream na magka-baby sila kundi pati na ang anak niya na si Amara na gustong magkaroon ng kapatid at ang mga magulang ni Ice na sina Mommy Caring at Daddy Dick na matagal na raw gustong magkaroon ng sariling apo.
Naging successful naman daw ang pag-harvest ng egg ni Ice, ayon sa post ni Liza na chairperson ng Film Academy of the Philippines. At ‘di lang isa kundi tatlong eggs pa ang na-harvest kay Ice.
“‘Yung iba raw, maliit na talaga. Tamad na daw kasi mag-produce ng eggs ang ovaries ni Ice. Hala! Feeling ko, narinig ng ovaries ni Ice ‘yung sabi niya na ibebenta na niya kasi unused. Haha! But at least, we were able to retrieve three. At dahil diyan, may nursery rhyme na kami! Hit it love!” At hindi pa man naipagbubuntis ni Liza ang baby nila ni Ice ay mukhang nakapili na sila ng ipapangalan sa bata.
May pa-hashtag kasi sina Liza and Ice para sa journey nila of having their own baby, ang #projectzazababy. Hula namin, baka ZaZa (AiZA at LiZA) ang ibigay nilang name sa magiging baby na mula sa pinagsamang last syllable ng kanilang mga pangalan.
In fairness, maganda, huh?





Comments