Binatang dehins knows kung bakit naaalala pa rin ang ex kahit may kasalukuyang GF na
- ROMA AMOR
- Jan 28, 2019
- 1 min read
Dear Roma, Ako si Jerick, 23 years old. Gusto kong humingi ng payo sa inyo tungkol sa pinagdaraanan ko dahil naguguluhan ako. Mayroon akong girlfriend at isang taon na kami, sa totoo lang, kahit isang taon na kaming magkarelasyon, eh, may mga pagkakataon pa rin na nami-miss ko ‘yung ex-GF ko. Alam kong hindi tama itong nararamdaman ko dahil alam kong masasaktan ang GF ko. Roma, ano ang dapat kong gawin? Maraming salamat! — Jerick
Jerick, Naku, bro, kahit sino ay maguguluhan sa ganyang sitwasyon. Ang maipapayo namin sa iyo ay mag-isip-isip ka, pag-isipan mong mabuti kung mahal mo pa ang ex-GF mo o may mga bagay ka lang na nami-miss sa kanya. Gayundin, ipinapayo namin sa iyo na isipin mo ang maaaring maramdaman ng GF mo kapag nalaman niya ang tungkol sa nararamdaman mo. Hangad namin na maging malinaw ang iyong isipan upang hindi maaapektuhan ang kasalukuyan mong karelasyon. Good luck!





Comments