Alcohol, corn, potato etc... IBA’T IBANG PAGKAIN NA NAKATI-TRIGGER NG UTI
- Donna Thea Topacio
- Jan 28, 2019
- 2 min read

MASAKIT ang pantog at balakang? Naku, besh, urinary track infection na ‘yan o mas kilala bilang UTI, ang pinakatraydor na sakit kahit kailan. Hays! Samantala, alam nating lahat na kahit marami sa atin ang may UTI ay hindi pa rin natin nasusunod kung ano ang mga pagkaing bawal sa atin, ‘yun lang!
Ayon sa mga eksperto, ang pagkakaroon ng UTI ay hindi biro, kaya dapat ay sineseryoso natin ito nang sa gayun ay hindi na lumala pa.
Gayunman, ang kape umano ay hindi puwede sa mga taong may UTI dahil pinabibilis nito ang daloy ng dugo sa ating urethra.
Samantala, ang pinakabawal talaga ay ang softdrinks na kinagigiliwan ng karamihan lalo na ng mga bata, naku! Sa totoo lang, masarap talaga ang softdrinks dahil matamis ito, ngunit, dahil sa acidity na mayroon nito, ito ay makaaapekto sa ating pag-ihi. Hala!
Para naman sa mga alak is life riyan, itigil n’yo na ‘yan kung ayaw ninyong magka-UTI.
Madali lang tiisin ang hangover, pero ang habambuhay na may UTI, hindi madali, mga beshy, masakit na sa pantog at balakang, masakit pa sa bulsa! Aray!
Dagdag pa rito, bawal din ang citrus at maaanghang sa taong may UTI dahil sa acidity nito at mahapding epekto para sa daluyan ng ihi.
Maliban pa rito, bawal din umano ang refined flour at mga artificial sweetener, kaya stop na sa pag-inom ng juice na nabibili sa mga convenience store, okie?
Minsan hindi natin mapigilang subukan o gawin ang bawal dahil ‘ika nga nila, kung ano ang masarap, ‘yun ang bawal, pero ipinaaalala ng mga eksperto na mas mainam ng maging maagap kaysa magsisi sa huli dahil lumala na ang karamdaman.
Kaya sa mga beshy natin d’yan na miyembro ng SMMU o samahan ng mga may UTI, hinay-hinay lang sa pagkain o pag-inom ng mga nabanggit sa itaas, ha?
Huwag nang matigas ang ulo para dehins maging delikado ang kalagayan ng pantog ninyo. Joke!
Hi-hi-hi!
Be healthy always!
Copy?




Comments