top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

12 kulong sa shabu at baril

Maeng Santos
Jan 28, 2019
1 min read

KALABOSO ang 12 hinihinalang sangkot sa iligal na droga kabilang ang pitong bebot at sinasabing tulak ng unlicensed firearms na target ng pulisya sa buy-bust operation sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Northern Police District (NPD) Director Police Chief Supt. Rolando Anduyan, alas-5:00 ng hapon nang isagawa ng mga tauhan ng District Special Operation Unit (DSOU) ang buy-bust operation sa pangunguna ni P/Insp. Melito Pabon kontra sa hinihinalang tulak ng unlicensed firearms na si Charlie Lasacar alyas Tolits, 41, mangingisda, sa loob ng Market 3, Bgy. NBBN.

Nagawang makabili sa suspek ng undercover police na nagpanggap na buyer ng baril kapalit ng P3,000 marked money at nang magbigay ito ng signal na nagkaabutan na, agad lumusob ang back-up na mga operatiba at inaresto si Lasacar.

Nadakip din sa operasyon sina Sherwin Juan, 21; MC Joven Calumpiano, 22; Nimfa Mercado, 28; Ma. Donna Bernardo, 25; Gina Astodilio, 45; Joselyn Alvarez, 46; Nicanor Rosalejos, 46; Leah Aleho, 28; Jyndie Alacrito, 32, Roan Joyce Santiago, 18, at alyas Takaw, 15, matapos umanong maaktuhan ng mga operatiba na gumagamit ng iligal na droga sa naturang lugar.

Ani DSOU Head PCI Angelo Nicolas, nakumpiska sa mga suspek ang buy-bust money, cal. 38 revolver na may kasamang limang bala, ilang drug paraphernalias at 13 plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 14 gramo na nasa P20,000 street value.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page