Trike driver binaril sa ulo, asawa sapol din
- Levi Gonzales
- Jan 27, 2019
- 1 min read

DEDBOL ang isang tricycle driver habang nasugatan ang misis nito matapos barilin ng riding-in-tandem sa Bgy. Ibabang Dupay, Lucena City, Quezon.
Alas-9:15 ng umaga, sakay ng kanyang tricycle ang biktimang si Edgar Alberto Cobey, 39, nang sundan ng motorsiklo sakay ang dalawang hindi pa nakikilalang suspek.
Agad siyang binaril sa ulo ng mga salarin at bumagsak sa daan saka nagsitakas ang mga ito.
Tinamaan din ng stray bullet ang misis nitong si Wendy Cobey, 43, na nakaupo naman sa sidecar.
Walong basyo ng bala ng cal .9mm ang natagpuan sa crime scene. Patuloy na ang imbestigasyon sa insidente.





Comments