Tibo binaril, dedbol

PATAY ang isang tibo matapos barilin sa likurang bahagi habang naglalakad, kamakalawa ng gabi sa isang iskinita ng Gate 17 Area D, Parola Compound, Tondo, Manila.
Agad namatay ang biktima na nakilala sa alyas Lilibeth Tomboy, nasa edad 40-45. Inaalam na ng pulisya ang pagkakakilanlan sa suspek na tumakas matapos ang krimen.
Wala namang nakuhang impormasyon ang pulisya kung papaano isinagawa ang krimen.
Batay sa imbestigasyon ni PO3 Mark Daniel de Guzman ng Manila Police District-Homicide Section, alas-6:30 ng gabi nang umalingawngaw ang malakas na putok ng baril sa nasabing lugar. Nakita na lamang ni Margie Tabaloc, may-ari ng sari-sari store na nakahandusay at duguan ang biktima.





Comments