top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

PATTS SEAHORSES, MALAPIT NA SA Q’FINALS NG NCRAA

A. Servinio
Jan 27, 2019
1 min read

NAKUHA ng PATTS College of Aeronautics ang napakahalagang panalo sa 26th National Capital Region Athletic Association (NCRAA) nang pabagsakin nila ang Pasig Catholic College, 91-81, sa Saint Joseph Gym Biyernes ng hapon. Dahil dito, bumuti ang pagkakataon ng Seahorses na makapasok sa quarterfinals sa susunod na buwan bunga ng kanilang ika-apat na tagumpay sa anim laro sa Grupo B.

Bumuhos agad ng 11 puntos sa first quarter si John Reed upang itulak ang PATTS, 29-14. Hindi na nakabawi ang Crusaders mula roon at nagtapos si Reed na may 20 puntos at 9 rebound habang tinulungan siya ni Norman Torreno na may 17 puntos at 3 assist.

Nanatili ring walang talo ang Philippine Merchant Marine School sa Grupo A matapos lubugin ang wala pa ring panalong Asian Institute of Maritime Studies, 93-71.

Tumabla ang Mariners sa 6-0 kartada ng defending champion Olivarez College at maghaharap sila sa Pebrero 6 para malaman kung sino ang numero uno sa grupo. Si Bryan Hilario pa rin ang namuno sa panalo ng PMMS sa bisa ng 22 puntos at 16 na rebound sa loob lang ng 21 minuto.

Binigyan ng pagkakataon ni Coach Aldrin Morante ang mga rookie at nag-ambag sina Joshua Templo ng 15 at Mark Joshua Agustin ng 14 puntos.

Sinigurado ng Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa na tatapusin nila ang torneo ng positibo at tinalo ang Emilio Aguinaldo College-Cavite, 90-78.

Magbabalik ang 26th NCRAA Seniors Basketball sa Peb. 1 sa Pasig Catholic College. Gaganapin ang last day elimination round sa Dagupan City People’s Astrodome sa Peb. 6.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page