Pahinante nahulog sa trak tepok
NUEVA ECIJA—Isang pahinante ang namatay nang aksidenteng mahulog sa kinalululanan nitong trak, kamakalawa sa Bgy. Singalat, Palayan City sa lalawigang ito.
Nakilala ang biktima na si Manuel Fajardo, residente ng nasabing lungsod.
Nabatid na habang nakasakay si Fajardo sa likuran ng trak na minamaneho ni Jonell Rivera ay aksidenteng nahulog ang biktima at nabagok ang ulo sa sementadong kalsada.
Nabatid na namatay sa pinangyarihan ng aksidente si Fajardo, samantalang, sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting in homicide si Rivera.





Comments