top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mister sinaksak ng screwdriver sa leeg, utas

  • Mylene Alfonso
  • Jan 27, 2019
  • 1 min read

TODAS ang 19-anyos na lalaki matapos baunan ng screwdriver sa kaliwang bahagi ng leeg nang yayain sa loob ng isang bahay kahapon ng madaling-araw sa Baseco Compound Port Area, Manila.

Kinilala ang biktima na si Jerwin Reyes alyas Aweng, residente ng Baseco Compound, Port Area.

Tumakas naman ang dalawang suspek na nakilalang sina Elino Cabarles, Jr., 28, at isang alyas Danilo, 28.

Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Dennis Suba, alas-12:52 ng hatinggabi nang mangyari ang insidente sa isang barung-barong sa Gasangan, Baseco Compound.

Ayon kay Rowena Lansarote, kinakasama ng biktima, sinundo umano si Reyes ni ‘Danilo’ at pagpasok pa lamang nito nang paluin ng matigas na bagay ang biktima saka sinaksak ng screwdriver sa bandang itaas ng leeg saka tumakas.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page