top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Karapatan ng sinumang nagkaroon ng maling file ng impormasyon sa birth certificate

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 27, 2019
2 min read

SA ating mamamayan na may maling tala sa kanilang birth certificate ay may karapatang maghain ng petisyon sa Local Civil Registrar kung saan nakarehistro ang kanilang birth certificate o sa husgado na nakasasakop sa nabanggit na Local Civil Registrar upang maitama ang nasabing maling tala. Ang proseso sa pagpapapalit ng maling tala ay maaaring sa pamamagitan ng hakbang na administratibo o paghahain ng petisyon sa husgado.

Noong naipatupad ang Republic Act (R.A.) No. 9048 na inamyendahan ng R.A. No. 10172, maaari nang maghain ng petisyon sa Local Civil Registrar kung saan nakarehistro ang birth certificate o sa Consul General ng lugar kung saan nakatira ang taong maghahain ng petisyon (kapag nasa ibang bansa nakatira), upang hilinging maitama ang nasabing maling tala sa birth certificate. Sa mga nabanggit na batas, ang clerical o typographical error sa unang pangalan, kasarian, buwan at araw ng kapanganakan sa rehistro sibil o civil registry ay maaari nang hilingin mula sa lokal na tanggapan ng City/Municipal Civil Registrar o Consul General na itama ang nasabing pagkakamaling clerical o typographical error.

Sa mga taong nagnanais na mapalitan o maitama ang clerical o typographical error sa kanilang unang pangalan o nickname, marapat na ang dahilan ng nasabing pagpapalit ay ang mga sumusunod:

“1. The petitioner finds the first name or nickname to be ridiculous, tainted with dishonor or extremely difficult to write or pronounce.

2. The new first name or nickname has been habitually and continuously used by the petitioner and he has been publicly known by that first name or nickname in the community: or

3. The change will avoid confusion.”

Para naman sa mga maghahain ng petisyon para maitama ang maling tala sa kanilang birth certificate kaugnay sa typographical o clerical error alinman sa kanilang kasarian, buwan at araw ng kapanganakan, kinakailangang makapagsumite sila ng mga dokumento kaugnay sa kanilang petisyon tulad ng mga sumusunod;

1. Earliest school record or earliest school documents;

2. Medical records;

3. Baptismal certificate and other documents issued by religious authorities;

4. A clearance or a certification that the owner of the document has no pending administrative, civil or criminal case, or no criminal record, which shall be obtained from the following:

a) Employer, if employed;

b) National Bureau of Investigation; and

c) Philippine National Police.

Sa parehong petisyon, kinakailangang nakasama ang Affidavit of Publication mula sa publisher pati ang kopya ng newspaper clippings. Para sa mga nag-file ng petisyon para maitama ang kanilang kasarian, kinakailangang mayroong medical certification mula sa accredited government physician kung saan nakasaad na ang naghain ng petisyon ay hindi nagdaan sa sex change o sex transplant.

Sa iba pang maling tala sa birth certificate na hindi nabanggit sa itaas tulad ng pagpapalit ng apelyido o pagkakataong may kinakailangang maipakansela sa birth certificate, kinakailangang maghain ng petisyon sa husgado ayon sa probisyon ng Rule 108 ng Rules of Court. Kakailanganin niya ang gabay ng abogado upang maihain ang nasabing petisyon dahilan na rin na ang nasabing petisyon ay diringgin ng husgado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page