top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Kahulugan na makaaahon sa kahirapan dahil sa biglaang pagyaman

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 27, 2019
2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Evangeline ng Evangeline_Manansala@facebook.com

Dear Professor, Ano ang ibig sabihin ng panaginip ng anak ko na nagbibilang daw siya ng pera na puro isanlibo, hindi raw ito nauubos hanggang sa umabot sa halagang P200,000?

Naghihintay, Evangeline

Sa iyo Evangeline, Napakaganda ng panaginip ng anak mo. For sure, sobrang masaya siya nang magising at kahit lumipas pa ang ilang araw, hindi pa rin nawawala ang kanyang saya at sa tuwing maaalala niya ang kanyang panaginip, siya rin ay masaya.

Pero, hindi lang siya ang masaya, sigurado ring masayang-masaya ka dahil kakaiba ang panaginip ng anak mo na kung mangyayari sa tunay na buhay ay makaaahon na kayo sa kahirapan.

Alam mo, Evengeline, hindi lang tao o bagay ang nagsisilbing inspirasyon sa buhay dahil ang mga panaginip tulad mismo ng panaginip ng anak mo ay inspirasyon na magagamit ninyo habang kayo ay nagsisikap na matupad ang inyong mga pangarap.

Ang lahat sa atin ay may mga pangarap sa buhay, nagsisikap at lumalaban sa hirap ng buhay, pero hindi lahat ay nagtatagumpay kung saan marami sa atin ang umaayaw na sa laban ng buhay at umaasa na lang sa agos ng kapalaran.

Gayunman, sila na may mga inspirasyon ay nakarating na sa tugatog ng kanilang tagumpay, naaabot na nila ang kanilang ambisyon gaano man ito katayog o kalaki.

Dahil dito, sa ganda ng panaginip ng anak mo, inaasahan na siya ay magkakaroon ng successful life dahil ang kanyang pinakamalaking inspirasyon ay ang kanya mismong panaginip.

Alam at nadarama niya na darating ang araw na mangyayari ang kanyang napanaginipan na siya ay yayaman dahil ang mga panaginip, kahit may ilang hindi naniniwala ay nagkakatotoo.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page