Kagawad timbog sa shabu
Pabs Hernandez III
Jan 27, 2019
1 min read
SARANGANI—Isang kagawad ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan ng shabu, kamakalawa sa Bgy. Tinoto, Maasim sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Kagawad Bebie Ismael, residente ng nabanggit na barangay.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng dalawang sachets ng shabu sa loob ng bahay ng suspek.
Nakapiit na si Ismael na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments