Jeep sinalpok ng pickup | 8 PASAHERO NADALE SA PULIS
- Levi Gonzales
- Jan 27, 2019
- 1 min read

PATAY ang isang pasahero ng jeepney habang pito ang sugatan makaraang salpukin sila ng sasakyan ng pulis sa Bgy. Balas, Talisay, Batangas.
Alas-4:45 ng hapon, nagbababa ng pasahero ang driver ng jeep na si Eduardo Cruzat, nang mawalan ng kontrol hanggang sa bumangga sa kanila ang isang Nissan Navarra na minamaneho ni PO1 Regienald Roxas, nakatalaga sa Laurel, Batangas-MPS.
Nasapol nito ang walong pasahero kabilang ang nasawing si Ronnie Buno.
Patuloy na ang imbestigasyon sa insidente na posibleng makasuhan ang pulis.




Comments