top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Government shutdown, tapos na

Jersey Sanchez
Jan 27, 2019
1 min read

NILAGDAAN na ni U.S. President Donald Trump ang panukalang-batas na hudyat para tapusin na ang temporary shutdown sa federal government offices sa U.S.

Unanimous ang pagpasa sa bill ng mambabatas ng dalawang Kongreso ng Amerika.

Bumigay umano si Trump sa kanyang pagmamatigas na isantabi ang kanyang hiling na pondo na $5.7 billion para sa pagpapatayo ng border sa bahagi ng Mexico.

Ayon kay Trump, nais niyang maalagaan ang mga tao na naapektuhan at nasaktan sa pinakamahabang shutdown sa kasaysayan ng bansa.

Samantala, magpupulong ang mga lider ng Kongreso upang talakayin ang petsa ng gagawing State of the Union Address ng presidente.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page