VIVA MORENA AT FOREST COVER, PATOK!

PITONG karera ang bibitiwan ngayong hapon sa gaganaping Phiracom Rating Based Handicapping System Race at Additional One win sa Group Races sa Santa Ana Park, Naic, Cavite.
Napapaloob sa naturang karera ang limang AOWGR at Philracom RBHS na paglalabanan ng mga baguhang mananakbo at mga datihang kabayo. Hahataw sa Race 1 kung saan mag-uumpisa ang Winner Take All (WTA) ang 3 Year Old and Above Maiden Race at pinapaboran ang Northern Fame at Mount Apo.
Susundan ng Pick 6 sa Race 2 at paglalabanan ng mga kalahok sa Philracom-RBHS ang P80,000 premyo para sa unang apat na makakatawid sa finishline bukod ang P20,000 para sa mananalo sa laban, pinapaboran ang Viva Morena at Spunk Attack, at entry no. 4.
Maglalaban ang anim na kalahok sa Race 3, sa pagtikada ng 3 Yeaar Old Group 5,6,7 at pinapatok ang kabayo ni Aristeo Puyat ang Forest Cover at banta sa laban ang Inter State.
Anim na kalahok ang maglalaban sa Group Race (11) at pinapaboran ang mga kalahok na Show Off, Gonzee’s Song at Providence sa Race 4. Nakalalamang ang Big Big Brown laban sa mga kalaban na Benissimo, Pintados at Hellow Boss sa Race 5.
Magsisilbing paratingan ang mga kalahok na sina Dragon Butterfly, High Grader, Sunshot, Rochelle at Magic Carpet Ride sa Race 6 para sa Group Race (8-9).
Pinapaboran ang Dixie Storm kontra kay River Mist at Cole Is Bright sa Group Race (10) sa pagtikada ng Race 7. Tip ni Mang Ding Race 1- Nothern Fame (5) Mount Apo(2) Race 2- Viva Morena (3) Entry No.4 Race 3- Forest Cover (5) Inter State(4) Race 4- Show Off (5) Gonzee’s Song (4) Providence (6) Race 5- Big Big Brown (4) Benissimo (7) Race 6- Entry No.1 Rochelle(7) Sunshot(2) Race 7- Dixie Storm(7) River Mist (2).





Comments