Shoutout sa mga taong wala ng time mag-ayos sa sarili...MGA PARAAN PARA HINDI MAGMUKHANG LOSYANG
- Justine Daguno
- Jan 26, 2019
- 2 min read

KARAMIHAN sa atin, partikular ang kababaihan ay gustong magkaroon ng magandang balat. Sino ba ang ayaw ng ‘ika nga, malaporselanang kutis? As we all know, kasabay ng pagtanda natin, ang ating balat ay tumatanda rin kaya importanteng maalagaan natin ito. Kaya, narito ang ilang tips para maging fresh at young looking tayo:
1. DON’T JUST FOCUS ON THE FACE. Beshy, hindi lang dapat tayo sa mukha mag-focus kundi sa buong katawan. Marahil, ito ang unang napapansin ng iba sa atin, pero make sure na nabibigyan din natin ng tamang pangangalaga ang iba pang parte ng ating katawan. Huwag nating kalimutang gumamit ng mga produktong makatutulong para ma-moisturize at ma-exfoliate ang ating balat.
2. THE SIMPLER, THE BETTER. Lahat tayo ay mayroong sariling ganda, kaya naniniwala tayong kaunting effort na lang ang kailangan natin, kumbaga, “light enhancement”, pero depende ito sa sitwasyon, kung kabugan ang labanan, dapat bongga rin tayo, ganern!
3. WATER DOES WONDERS. Marami nang nagpatunay rito, bes! ‘Ika nga ng iba, tubig lang sapat na para sa ‘pak ganda’. He-he-he! Bukod sa pagiging healthy nito, sobrang natural lang din at lahat ay afford ito. Water pa more!
4. EAT WISELY. Ganito ‘yan, kahit anong apply natin ng moisturizer, lotion, cream at iba pa, kung hindi healthy ang kinokonsumong pagkain ng katawan natin, waley din! Tandaan, malaki ang factor ng pagkain sa ikagaganda ng balat natin.
5. USE COLD WATER IN THE MORNING. Ayon sa mga eksperto, isa sa mga magandang tip para sa young looking skin ay ang habit na pag-inom ng tubig sa umaga. Ang malamig na tubig daw sa umaga ay nakapagbibigay ng endorphins kaya sure na magiging maganda ang awra natin. Plus, nakaliliit daw ito ng pores at nakatatanggal ng mga dumi sa ating mukha. Alam mo na, beshy?
6. SHOWER USING WARM WATER. Challenge talaga ang pagligo gamit ang malamig na tubig, lalo na sa umaga, kaya madalas ay nagpapainit tayo ng tubig o heater ang hero natin. Good news, dahil mas better kung warm na tubig ang gagamitin natin sa pagligo, gayundin, kapag bet nating maligo sa gabi. Maganda ang naidudulot nito dahil nare-relax nito ang ating katawan, partikular ang ating balat.
7. BE WISE WHEN IT COMES TO PRODUCTS. Siyempre, hindi porke ‘g na g’ tayong magkaroon ng magandang balat, eh, bili na lang tayo nang bili. Beshy, hindi porke nag-work sa iba, eh, maganda na rin para sa atin. Magkakaiba ang skin type natin, kaya kung may time tayo, eh, mag-research o i-check muna natin ang review nito kung keri ba ang produkto sa tipo ng balat na mayroon tayo. Gets?
Walang masama kung gusto nating maging maganda ang ating balat. Ang pag-aalaga rito ay parte ng responsibilidad natin sa ating sarili.
Okidoki?





Comments