top of page
Pokwang.jpg

Sawa na, inip pa… WISH NG FANS: COCO, MATSUGI NA!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 26, 2019
1 min read

Beth Gelena / BULGARY FILES

SA nalalapit na 2019 elections, ilan sa cast ng Ang Probinsyano ang mawawala para sa campaign period. Bawal na kasi sa mga artista na mapanood sa mga teleserye kapag campaign period na.

Ang ilan sa mga actors na may ma­gagandang character sa action serye ni Coco Martin ay sina Edu Manzano, Roderick Paulate, Jhong Hilario at ang mag-amang Lito at Mark Lapid.

Una nang pinatay ang character ni Kuya Dick bilang mayor. Sino kaya ang susunod?

Iba naman ang tanong sa amin ng isang Kapamilya viewer. Kelan daw mamamatay ang character ni Coco bilang si Cardo?

Nahirapan kaming sagutin ang tanong dahil tanging ang Kapamilya Network lang ang nakakaalam kung kelan ito magwawakas.

Birong sabi namin sa avid viewer, “Kapag ang buhay ng pusa ay hindi na siyam. Eh, naka-tatlong taon na Ang Probinsyano kaya malamang, abutin pa ng anim na taon.”

Pero, seryoso, on behalf ng televiewers, kailan nga ba, EJ Salut?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page