top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Rumesponde sa anti-illegal logging operations | PULIS, BINARIL, UTAS

  • Jeff Tumbado
  • Jan 26, 2019
  • 1 min read

PATAY ang rumespondeng pulis matapos barilin ng isa sa mga suspek na nagsasagawa ng malawakang pagpuputol ng puno sa bundok na bahagi ng Sablan, Benguet.

Nasapol sa ulo na siyang dahilan ng agarang pagkasawi ng biktima na nakilalang si SPO4 Nicolas Yangona, nakatalaga sa Sablan Municipal Police Station, na nakatakda sanang magretiro sa serbisyo sa

susunod na taon.

Ayon kay Senior Supt. Lyndon Mencio, nakatanggap ng ilang impormasyon ang Sablan Police Station kaugnay sa ilang armadong lalaki na iligal na nagpuputol ng puno sa bahagi ng communal forest sa Bgy. Sappa.

Pagdating umano ng ilang rumespondeng pulis kabilang si SPO4 Yango sa lugar ay nagpaputok ng baril ang isa sa mga illegal logger at napuruhan ang nasabing pulis.

Gumanti naman ng putok ang kasamahan ni Yango subalit, mabilis na nakatakas ang mga suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page