REPUBLIKA RUN 2019,MULING AARANGKADA SA MALOLOS

ASAHANG muling dadayuhin ng mahigit 1,000 runners at weekend warriors ang Republika Run 2019, isang 3-in-1 footrace na kinabibilangan ng half-marathon na suportado ng Agila ng Bulacan na magsisimula at magtatapos din sa Malolos Sports and Convention Center sa Malolos City, Bulacan, bukas Enero 27.
Ayon kina Eric P. Apostol, pangulo at Alvin Calisora vice-president ng Barasoain Running Heroes at organizers ng patakbong ito, tatanggap ng finishers medal at loot bag ang lahat ng mananakbong makakatawid sa finish line na may rutang 5-km, 10km habang ang makasabog-bagang 21-km finisher ay may cash prize ang top 10 finishers na lalaki at babae sa lahat ng ruta.
Mismong ang alkalde ng Malolos at ang Agila ng Bulacan,ang mangunguna sa patakbong ito at personal na magbibigay ng premyo sa mga aakyat sa podium, na magsisimula ng 4 a.m. at bahagi ng patakbong ito ang pagdiriwang ng Unang Republika ng Pilipinas na gagawin sa Barasoain Church sa Malolos City.
Mabibiyaan mula sa bahagi ng kikitain na ito ang Emmaus House of Apostolate at Athlete Student of Malolos kung saan ang top 3 finishers (men and women division) ay tatanggap ng cash prizes.





Comments