Pulis binentahan | BEBOT TIMBOG SA DROGA

ISANG babaeng drug pusher na nasa drug watch list ang naaresto matapos magbenta ng shabu sa pulis sa buy-bust operation sa Navotas City, kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ni Navotas Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) Head PCI Ilustre Mendoza ang naarestong suspek na si Lea Rodriguez, 41, ng Bgy. San Jose.
Ayon kay PO2 Jaypee Mañalac, ala-1:00 ng madaling-araw nang ikasa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PCI Mendoza ang buy-bust operation kontra sa suspek sa Bagong Silang St.
Nagawang makabili sa suspek ni PO1 Bryan Greg Calixto na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng P300 marked money at nang sumenyas ito na nagkaabutan na agad lumusob ang back-up na mga operatiba at inaresto si Rodriguez.
Bukod sa buy-bust money at nabiling shabu, nakumpiska pa sa suspek ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu at buy-bust money habang inaalam pa ng pulisya kung saan kinukuha ni Rodriguez ang ibinibentang iligal na droga.





Comments