Proteksiyon ang kailangan ng kabataan, hindi prosekusyon

MAYROON tayong nine-year-old twins at tunay na musmos pa lang ang isip nila—madalas ang bonding natin sa kanila ay paglalaro.
They are vulnerable. Hindi ba, tuwing pinagmamasdan natin ang mga bata kapag sila ay natutulog o naglalaro, napupuno tayo ng kagustuhan na ipagtanggol sila sa marahas na mundo?
Sabi ng ilang studies sa psychology at neurobiology, sa edad na 16 pa lang natatamo ang maturity sa brain function.
Ito ang isa sa dahilan kaya tutol tayo sa pagbaba ng minimum age of criminal responsibility (MACR) sa siyam na taon mula 15-anyos. Ngayong linggong ito, dahil sa malawakang pagtutol, binago ang panukalang-batas. Hindi na 9 years old kundi 12-anyos na ang iminumungkahi ng House of Representatives na MACR. Hindi pagbaba ng MACR ang lunas sa pagsugpo sa krimen.
Kung ginagamit ng mga sindikato ang kabataan para sa kanilang operasyon, hindi ba ang dapat hinuhuli natin ay ang mga sindikatong responsable sa korupsiyon ng mga bata?
Proteksiyon ang kailangan nila at hindi prosekusyon.
Ang kailangang gawin ay ang full implementation ng Republic Act 9344 o Juvenile Justice and Welfare Act. Nasa mandato nitong, at least, 1 percent ng internal revenue allotment (IRA) ng mga local government unit ay gamitin para sa Barangay Councils for the Protection of Children (BCPC).
Inaatasan ang BCPC na gumawa ng hakbang para maiwasan ang juvenile delinquency.
Kasama rin sa batas na ito ang pagkakaroon ng Bahay Pag-asa kung saan ipadadala ang kabataan in conflict with the law (CICL). Mahalagang malaman natin kung ito ba ang kaso. May Bahay Pag-asa na ba ang bawat bayan sa buong bansa at napopondahan ba ang mga ito?
Kahit sinasabi ng panukalang-batas sa pagbaba ng MACR na hindi ikukulong kundi ipadadala sa mga Bahay Pag-asa ang mga CICL, malaki ang panganib na dahil hindi pa rin naipatatayo ang mga bahay na ito ay sa pangkaraniwang kulungan sila dadalhin.
Children who cannot vote, run for the Sangguniang Kabataan, drink, get married, who our other laws say do not yet have enough discernment to make adult decisions, are at risk of being exposed to our overcrowded jails.
Ang kailangan nila ay reporma at rehabilitasyon. Kapakanan nila ang isipin natin.
Kaya sa ating mga kapwa mambabatas, sana, pag-isipan nating mabuti ang magiging boto natin sa Lunes kapag isinalang na sa pangatlong pagdinig ang panukalang-batas.





Comments