top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pambansang Bae, puwede na ring ilantad ang bagong babae… ALDEN, NAKINABANG SA PAG-AMIN NINA ARJO AT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 26, 2019
  • 1 min read

NAGKAROON na ng label ang relasyon ng Dubsmash Queen na si Maine Mendoza at ng aktor na si Arjo Atayde. “Exclusively dating” ang term na ginamit ni Arjo sa status nila ni Menggay.

So, hindi na sila nag-e-entertain ng iba pa. Mabuti na rin na kay Arjo na mismo nanggaling ang pag-amin at hindi na espekulasyon lang ang lahat.

So, ano naman ang naging reaksiyon dito ng mga die­hard AlDub fans na sobrang naging possessive sa ka­nilang mga idolo? Noong si Alden Richards ang nali-link sa ibang Kapuso stars, grabe ang pamba-bash na ginagawa ng AlDub fans, lalung-lalo na ang mga fans ni Maine.

Sobra nilang nilalait at hinuhusgahan si Alden. Halos diktahan na ng AlDub fans ang Pambansang Bae. Nali­limitahan ang sirkulo ng kanyang mga kaibigan dahil bawal na maging malapit sa kahit kaninong Kapuso star. Tuloy, parang naging one-sided lang ang lahat. Si Maine, hindi gaanong naba-bash kapag nali-link sa iba.

Ano’ng aksiyon ang gagawin ngayon ng AlDub fans sa pag-amin at paglantad nina Arjo at Maine sa real status ng kanilang relasyon?

Sabagay, blessing in disguise na rin siguro ito sa parte ni Alden. Hindi na siya mape-pressure at mai-stress kapag ipinareha sa iba. Puwede na rin siyang lumantad kasama ang mga kaibigang artista.

Tanggapin na lang ng AlDub fans na hanggang kamera na lang ang love team nina Maine at Alden.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page