top of page
Pokwang.jpg

Pahiwatig na matutuloy ang pagpunta sa Korea

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 26, 2019
1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Ikaw Lang ng Ikaw_Lang_At_ Ako @facebook.com

Dear Professor,

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko na ini­hatid daw ako ng asawa ko sa airport, tapos, pag­bukas ko ng pintuan sa airport ay Korea na raw ang labas nito. Kaya lang, ipinasa­rado ko raw kaagad ang pinto dahil malamig?

Ano ang ibig sabihin nito, may koneksiyon kaya ito sa plano kong pag-a-abroad?

Sa ngayon ay hinihin­tay ko pa ang visa ko pa­puntang Korea. Matutu­loy kaya ako?

Naghihintay,

Ikaw Lang

Sa iyo Ikaw Lang,

Yes, matutuloy ang pag-a-abroad mo sa Korea at ang masayang balita mula sa iyong panaginip ay hindi lang isang beses ka mag­kapag-a-abroad, kumbaga, marami at pabalik-balik ka sa iba’t ibang bansa.

Ang hindi gaanong ka­gandahang balita ay nag­sa­sabing, maho-homesick ka, pero makakayanan mo rin ito.

Ang payo mula sa iyong panaginip ay nagsa­sabing, mag-ipon ka nang sa ga­yun ay magawa mo ang iyong pangarap na maka­bili ng mga lupain.

Narito ang babala mula sa iyong panaginip na nag­sasabing, kung mawa­wala ang ningas ng iyong mga pangarap, puwede kang matulad sa “legen­dary stone that keeps on rolling but gather moss”.

Maraming ganu’ng Pinoy na panay ang punta sa abroad, pero wala na­mang nakuha sa pag-a-abroad, kumbaga, kahit kaunting lumot o moss ay walang naipundar.

Kaya muli, ang sikreto para gumanda ang iyong buhay ay kailangan mong mapanatili ang ningas ng iyong mga pangarap na nag­sasabi na ang masa­sayang kaganapan ang kadalasang pumapatay sa alab ng pagnana­sang ma­tupad ang mga pangarap.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page