Oplan Sita tinakbuhan | RIDER NA WALANG HELMET, TIMBOG SA SHABU

NAKORNER at nakuhanan ng shabu ang isang rider matapos takbuhan ang mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Sita dahil walang suot na helmet sa Caloocan City.
Kinilala ni Caloocan Police Chief Sr. Supt. Restituto Arcangel ang naarestong suspek na si Jessryl Espanola, 20, ng Bgy. 185, Manggahan, na nahaharap sa kasong disobedience of person in authority at paglabag sa RA 9165.
Batay sa imbestigasyon ni PO1 Rodrigo Hinlo, alas-3:30 ng madalingaraw, nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP)-4 sa kahabaan ng Kaagapay Road, Bgy. 186 nang mapansin ang suspek na walang suot na helmet habang sakay ng motorsiklo.
Sa halip na huminto, tinangkang umiwas at pinaharurot ng suspek ang kanyang motor na nagging dahilan upang habulin ito ng mga pulis hanggang sa makorner.
Nang hanapan ng lisensiya at kaukulang papeles ng motorsiklo ay wala itong naipakita at nang kapkapan ay narekober ng mga pulis sa loob ng kanyang sling bag ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.





Comments